Burger Boys

“Dapat may dahilan kayo, dahil kung wala, wala kayong karapatang makita ang mundo.”
– Travel Agent

“Makipag-talo ka!”
– Ermitanyo

Heto na yata ang pinaka-weird sa lahat ng gawa ni Lav na napanood ko. Hindi ko maisip kung paano siya nakagawa ng ganitong klase ng obra. Tuwang tuwa ako nung mapanood ko ito. Punong-puno ng ideya. Kakaiba sa lahat ng pelikulang napanood ko. Maaaring nabanggit ko noon na may pagkakahalintulad siya sa Holy Mountain, pero kakaiba pa rin pala talaga ito. Mabuti na lamang at napanood ko siya.

Tungkol ito sa isang grupo ng kabataan na naisipang magnakaw sa isang bangko upang paghati-hatian nila. May kanya-kanya silang dahilan at may kanya-kanya ring kapalarang inaaasam. Mula dito nag-ugat-ugat na ang maraming hindi maipaliwanag na mga panyayari.

Isa na maaari ito sa pinaka-surreal na Pilikulang Pilipino. Isang matinding eksperimentasyon para sa isang Regal Film. Magandang suppliment dito ang Rubber para sa mga parts na hindi maipaliwanag:

“You probably never gave it a thought. But all great films, without exception, contain an important element of ‘no reason'”
– Pulis sa Rubber